Andanar sinabing hindi totoo ang sinasabi ni Ben Tulfo at Atty. Topacio na nakatangap sila ng pera galing sa P120M DOT ad scam

Pinabulaanan ni Communications Secretary Martin Andanar ang sinabi ng mamamahayag na si Ben Tulfo at ng Abogado na si Ben Topacio na nakatanggap diumano ang kanyang ahensiya ng parte galing sa P120M DOT ad scam.

Ayon kay Andanar, hindi diumano sila nakatangap ng kahit ano sa kontrobersiyal na ad deal sa pagitan ng Department of Tourism at Bitag Media ni Tulfo na nagmamay ari ng “Kilos Pronto” na pinapalabas sa PTV-4.

Wala po kami talagang natanggap kung ano po yung sinabi ni Atty. Topacio, it has to be clarify during the hearing.Kasi marami po yang translation puwedeng kung ano-ano po ang ibig sabihin wala namang pinangalanan and in the first place hindi natin alam kung ano talaga yung context ng sinasabi niya at kung nag-usap man sila ni Ben sila na ho yun wala naman tayo doon,” Ani Andanar.

Ayon kay Andanar, walang legal na paraan upang makatangap sila ng pera galing sa ad deal.

“Wala ho! Walang legal na pamamaraan kung anumang way na makatanggap ho ang isang PCOO official ng pera. Ito po ay isang transaction between the DOT, PTV at ng Bitag so walang paraa talaga,” sabi ni Andanar.

Umaasa si Andanar na lilinawin ni Topacio at Tulfo ang kanilang bintang sa darating na Senate Blue Ribbon Committee hearing.

Tila napahiya naman si Topacio matapos pabulaan ni Tulfo ang kanyang sinabi na ibabalik nito ang perang natangap niya sa ad deal.