Ejercito, Escudero pinuri ang pagpirma ni Pangulong Duterte sa National ID System Law

Ikinatuwa ni Senador JV Ejercito ang pagiging batas ng National ID System sa bansa at naniniwala siyang mapapalakas pa nito lalo ang paglaban ng gobyerno laban sa terorismo at krimen.

Pinuri niya rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa agad-agaran nitong pag pirma sa nasabing batas.

“Equally significant is the positive impact of the law on the efficiency of public service,” Sabi ni Ejercito.

Idinagdag pa nito na “walang dapat matakot sa batas na ito maliban sa mga taong may masamang balak na maghasik ng kriminalidad o terorismo,”

Isa rin si Senador Chiz Escudero sa sumuporta sa nasabing batas at sinabing nagawa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National ID System na binaliwala ng nakaraang mga administrasyon.

Ilan sa mga Senador, kasama na ang kanilang pinuno na si Tito Sotto ang personal na nasaksihan ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing batas.

Ayon naman sa Malacanang ay sisiguraduhin nila na lahat ng Pilipino ay makakatanggap ng National ID.