‘Hayaan mo siya’ Pangulong Duterte, hindi sisibakin si Mocha Uson sa kalagitnaan ng kontrobersiyal na ‘pepedederalismo’

Hindi diumano sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson kahit na ito’y nahaharap sa kontrobersiya dahil sa kanilang ginawang sayaw kasama ang DDS Blogger na si Drew Olivar.

Sa video na in-upload sa mismong blog ni Mocha sa Facebook, makikitang sumasayaw si Olivar habang binabangit ang mga salitang “pepe” at “dede” at maraming netizens ang nabastusan dito dahil ang pinag uusapang isyu noon ay tungkol sa Pederalismo.

Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque, hindi man natuwa ang Pangulo sa bagong kontrobersiyang kinakaharap ni Mocha, ay nanatili itong kalmado at sinabing nirerespeto niya ang ‘freedom of expression’ ng opisyal.

“He wasn’t laughing. He was… As I said, he was cool. It’s freedom of expression,” Ani Roque.

Hindi rin diumano nag salita si Pangulo kung sisibakin niya ba o pananatilihin niya si Mocha sa kanyang posisyon.

“I guess what the President said is, ‘She said that.’ Let it be,’” Sabi ni Roque.

Ipinaliwanag din ni Roque na ang blog ni Mocha ay sa kanya at kahit anong sabihin o gawin niya doon ay hindi na ito saklaw ng gobyerno.

“She can do anything and everything on her blog,” Ayon kay Roque.

Hindi man diumano maganda ang kinalabasan ng naturang kontrobersiya ay umaasa parin ang gobyerno na dahil sa ginawa ni Mocha ay mapag uusapan na ng mga tao ang Pederalismo.

“Bagamat hindi kami sang-ayon doon sa pamamaraan, eh talagang naging kontrobersyal ngayon ang pederalismo. So ang hamon ngayon is, how do you translate this controversy into something positive for federalism?” Tanong ni Roque.