Pangulong Duterte pinasalamatan si Pimentel at Alvarez sa pagtulong sa pag papasa ng Bangsamoro Law

Kahit na tila naantala ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na sana’y gagawin sa kanyang ikatlong SONA, nagpasalamat parin ito kay dating Senate President Koko Pimentel at dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si Pangulong Duterte sa kontribusyon ng dalawa niyang kapartido sa nasabing batas.

“I thank former Senate President Pimentel and former Speaker Alvarez, as well as Senate President Sotto and Speaker Arroyo for supporting my administration’s legislative agenda,” ani Duterte.

“Indeed, the passage of these laws speak well of their able leadership and firm resolve to rise above divisive partisan politics,” idinagdag pa nito.

Nagpasalamat din siya sa mga miyembro ng Bangsamoro Transition Commission, Moro Islamic Liberal Front, at Moro National Liberation Front dahil sa walang tigil nilang pagbabantay at pag suporta sa nasabing batas.

“May this serve as the final trajectory for the attainment of genuine peace, stability, [and] good governance in Muslim Mindanao,” Sabi ni Duterte.

Nanawagan naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kapatid na Muslim at Kristiyano na nakatira sa Bangsamoro na maging aktibo sila sa paglahok sa mga pag uusap tungkol sa mga batas na kanilang ipapasa.

“But more importantly, I encourage you to take part in the upcoming plebiscite so that you may express your sovereign will through the ballot,” Ani Duterte.