Pangulong Rodrigo Duterte, sinibak sa pwesto ang lahat ng opisyal ng Nayong Pilipino sa kalagitnaan gitna inagurasyon sa isang Casino na itatayo sa nasabing lugar

Kahit pa may pagdiriwang bilang bahagi ng inagurasyon ng bagong Casino na itatayo sa Entertainment City ng Paranaque City, hindi ito naging hadlang upang sibakin lahat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Nayong Pilipino.

Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinisibak niya na ang lahat ng opisyales ng Nayong Pilipino dahil diumano sa paluging transaksyon na pinasok nito.

Ayon kay Roque ay nainis si Pangulong Rodrigo Duterte na malaman na 70 na taon ang lease of contract ng nasabing Casino na nagkakahalaga ng $1.5-B.

Nauna ng sinita ng Komisyon ng Pagsusuri ang nasabing transaksyon sa pagitan ng mga opisyal ng Nayong Pilipino at ng kompanyang Landing International Development ltd na nakabase sa Hongkong.

Matapos ng pagdiriwang ay agad na umalis ang mga nasibak na opisyal at hindi na ito nagpaunlak ng panayam.

Ayon naman sa¬†Landing International Development ltd ay hindi makaka apekto ang nangyaring pagsibak sa mga opisyal ng Nayong Pilipino sa kanilang proyekto at sinabing wala itong epekto sa ‘contract of lease’ nila.