Thursday, October 22, 2020

Advertisement

Latest Posts

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong. Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin...

Arnell Ignacio prinangka si Jennylyn Mercado: Hindi porket sikat ay eksperto na kagad sa politika!

Binalaan ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay naging aktibo...

K Brosas tinawag na ‘walang kwenta’ ang ika-limang SONA ni Pangulong Duterte, iba pang artista naki batikos din

Sharing is caring!

Halo ang reaksyon ng mga tao sa nangyaring ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, may ilang humanga, at may ilan din namang hindi nasiyahan sa mensahe ng punong ehekutibo.

Inipon namin ang ilan sa mga social media post ng mga artista na tila hindi nagustuhan ang naging talumpati ni Pangulong Duterte.

Isa si K Brosas sa mga nagpataas ng kilay sa mga supporters ni Pangulong Duterte matapos nitong tawagin na walang katuturan ang SONA.

“May joke ako about SA sona.. kaso wag na Lang pala kc walang kwenta,” ani Brosas.

Ilang oras matapos niyang i-tweet ang kanyang ‘joke’ ay inulan diumano siya ng batikos at pati ang kanyang anak ay nadamay.

“Uy, SA Facebook na naman naglipana mga hanas.. May isa dinamay pa anak ko shutanginamezzz!! Mga naka public at kita ko lahat NG info pero tapang ha.. Teka lang.. Kalma muna,” she said.

Samantala, hindi lang si Brosas ang nakakuha ng atensyon ng mga netizens, kundi si Agot Isidro rin na kilala na bilang isang kritiko ni Pangulong Duterte noon pa man.

Kung si Brosas ay tinawag na ‘walang kwenta’ ang SONA ni Pangulong Duterte, si Isidro naman ay sinabing ‘walang sustansya’ ang talumpati ng Pangulo.

“Ang SONA na walang sustansya. kthxbye,” sabi ni Isidro.

Ayon naman sa aktor na si Robi Domingo, ang tunay na ‘veerus’ o virus ay ‘yung hindi pag responde ng gobyerno sa pangangailangan ng mga tao sa gitna ng pandemya.

“The real Veerus is obviously not being able to respond to the needs of the nation but prioritized the selfish interests of the party,” Ani Domingo.

Matatandaan na hindi nagustuhan ng mga artista ng desisyon ng kongreso na ibasura ang franchise application ng ABS-CBN.

Sinisi rin ng ilan si Pangulong Duterte dahil tila siya ang naging dahilan kung bakit lumabo ang tyansa ng nasabing network na makapag renew ng prangkisa.

Facebook Comments

Latest Posts

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong. Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin...

Arnell Ignacio prinangka si Jennylyn Mercado: Hindi porket sikat ay eksperto na kagad sa politika!

Binalaan ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay naging aktibo...

Advertisement

Don't Miss

Stay in touch

To be updated with all the latest news, offers and special announcements.

Facebook Comments