Thursday, October 22, 2020

Advertisement

Latest Posts

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong. Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin...

Arnell Ignacio prinangka si Jennylyn Mercado: Hindi porket sikat ay eksperto na kagad sa politika!

Binalaan ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay naging aktibo...

Raffy Tulfo nangakong magbibigay ng pera, groceries at gamot sa aktor na si John Regala

Sharing is caring!

Nangako ang mamamahayag na si Raffy Tulfo na tutulungan niya ang beteranong aktor na si John Regala na kamakailan lamang ay pinag usapan sa social media dahil sa kondisyon nito.

Ilang araw lamang ang nakakaraan, isang food delivery rider na si Carlo Clariza ang tinulungan si Regala matapos nitong makita na nanghihina at nahihilo ang beteranong aktor.

Nagka-tagpo ang dalawa matapos mabangga ni Regala ang motor ni Clariza.

Imbis na magalit ito kay Regala sa pagkakabangga sa kanyang motor ay pinili niya nalang tulungan ang aktor.

Nag-post sa social media si Clariza upang ipaalam sa mga nakakakilala kay Regala ang kasalukuyang kalagayan ng aktor kilala noong kontra bida sa mga action movies.

“Siya po Si Mister John Regala Ang sikat na kontra bida humingi nang tulong po sa aken kase nahihilo po siya may hinahanap siya na nurse Ang kaso di ko po siya maintindihan kase po medyo utal na po magsalita dahil nahihilo po siya kaya humingi siya nang tulong saken at agad Naman po akong lumapit sa mga tanod at pulis na para matulungan dito po siya sa lugar nang BRGY.183 PASAY CITY tapat nang lots a pizza masakit lang isipin na Ang dating idolong kontra bida ay NASA ganyang kondisyon Kaya mas minabuti ko munang Hindi umalis hanggat di pa siya naaasikaso kahit na ako’y may deliver pa maraming salamat sa mga tanod at health worker na tumulong,” ani Clariza.

Nang malaman ni Tulfo ang kalagayan ni Regala ay tumulong agad ang kilalang mamamahayag sa aktor.

Nangako si Tulfo na magbibigay ng P100,000, groceries at medisina para kay Regala.

“Magpapa-punta po ako ng reporter d’yan. Lahat po ng klaseng tulong ibibigay namin. Sa ngayon po, magpe-pledge po ako, magbibigay ako sa’yo ng P100,000,” ani Tulfo.

Ikinuwento ni Regala kay Tulfo ang mga masalimuot na nangyari sa kanyang buhay, kasama na rito ang pag iwan sa kanya ng kanyang asawa at ang hindi pagkain nito ng maayos ng dalawang linggo.

“Iniwan pa po ako ng aking asawa dahil wala na nga po akong pera. Ang iniisip ko pa ‘yung aking career, eh mukhang malabo na po dahil tinalikuran na ako ng industriya. Ako lang pong mag-isa at yung aking aso. Dina-dalaw dalaw lang po ako ng mga kaibigan ko po,” ayon pa kay Regala.

Sa isa pang panayam ay nagpasalamat si Regala kay Clariza na tinulungan siya imbis na siya ay awayin.

Carlo, actually nabangga ko pa ‘yung motor mo kasi hilong hilo ako kasi 13 araw na akong hindi kumakain,” ani Regala.

“Hindi mo ako iniwanan. Bihira ‘yung ganun kaya maraming maraming salamat sa ‘yo. Tinatanaw kong utang na loob ‘yun,” dagdag pa niya.

Lumabas si Regala sa higit limampung pelikula.

Nanalo rin sila bilang Best Supporting Actor noong 2011 sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa kanyang pagganap sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

 

Facebook Comments

Latest Posts

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong. Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin...

Arnell Ignacio prinangka si Jennylyn Mercado: Hindi porket sikat ay eksperto na kagad sa politika!

Binalaan ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay naging aktibo...

Advertisement

Don't Miss

Stay in touch

To be updated with all the latest news, offers and special announcements.

Facebook Comments