Thursday, October 22, 2020

Advertisement

Latest Posts

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong. Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin...

Arnell Ignacio prinangka si Jennylyn Mercado: Hindi porket sikat ay eksperto na kagad sa politika!

Binalaan ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay naging aktibo...

Yorme Isko Moreno walang reklamo sa kanyang 100k na buwanang sweldo: “Basura nga kinakain ko noong araw!”

Sharing is caring!

Hindi nagrereklamo ang alkalde ng Maynila na si Isko Moreno sa kanyang sinusweldo kahit na tila nauubos na ang kanyang oras sa pagta-trabaho.

Sa kanyang panayam sa magazine program na Kapuso Mo Jessica Sojo (KMJS) ay sinabi niya na 100,000 piso ang kanyang natatanggap na buwanang sweldo bilang alkalde ng Maynila.

Ibinahagi niya na bago niya marating ang kanyang kasalukuyang tagumpay ay dumaan muna siya sa pagiging basurero at driver ng pedicab.

Nasubukan niya na ring sumisid ng barya na itinatapon ng mga pasahero ng mga papaalis na barko sa pier ng Maynila noong kanyang kabataan.

Ayon sa kanya, ang mga naranasan niya noon ang dahilan kung bakit hindi siya nagrereklamo sa kanyang tinatanggap na sweldo ngayon.

“Basura nga kinakain ko nung araw, magrereklamo pa ba ako sa isang daang libo?” ani Moreno.

Lumaki si Moreno sa Tondo, Manila at nadiskubre ng isang talent scout na bumisita sa isang lamay noong 1993.

Matagumpay niyang pinasok ang politika noong 1998 bilang konsehal ng unang distrito ng Maynila at naging Bise alkalde rin siya ng siyam na taon.

Noong 2019 ay inihalal siya bilang alkalde ng Maynila.

Dahil sa kanyang nagawa sa Maynila ay marami ang itinutulak siya na tumakbo bilang Pangulo sa 2022 presidential election, ngunit sinabi niyang hindi pa oras para pag usapan ang kanyang mga susunod na hakbang sa politika.

 

Facebook Comments

Latest Posts

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong. Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin...

Arnell Ignacio prinangka si Jennylyn Mercado: Hindi porket sikat ay eksperto na kagad sa politika!

Binalaan ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay naging aktibo...

Advertisement

Don't Miss

Stay in touch

To be updated with all the latest news, offers and special announcements.

Facebook Comments