Thursday, October 22, 2020

Advertisement

Latest Posts

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong. Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin...

Arnell Ignacio prinangka si Jennylyn Mercado: Hindi porket sikat ay eksperto na kagad sa politika!

Binalaan ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay naging aktibo...

Michael V pumalag sa mga gumagamit sa kanya para i-endorso si Mayor Inday sa 2022

Sharing is caring!

Mismong ang komedyante na si Michael V o kilala rin bilang Bitoy ang bumanat sa isang Facebook page na tila ginagamit ang kanyang likhang tula para kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 para sa susunod na eleksyon.

Sa isang post sa Instagram, sinabi ni Bitoy na ang kumakalat na mensahe niya sa social media ay para himukin ang mga tao na i-respeto ang naging resulta ng eleksyon, apat na taon na ang nakakaraan.

“Madalas kong nakikita sa circulation ‘tong quote ko na ‘to which I posted more than 4 YEARS AGO nu’ng nanalo si Digong as President, to encourage people to accept and respect the election results, consistent with the “Dapat Tama” campaign na ginawa ko with GMA Network. To set the records straight, it’s NOT A RECENT POST,”  ani Bitoy.

Sinabi naman ni Bitoy na ayos lang na gamitin ang mensahe niya at i-post sa social media, pero dapat ay sa tamang paraan at h’wag itong gamitin bilang campaign material ng mga maaring kandidato bilang pagka-presidente sa 2022.

“Please pay attention to the LAST LINE NA ALL CAPS. I have no problem with people using it for the right reason pero HUWAG PO NATING GAMITING CAMPAIGN MATERIAL,” sabi ni Bitoy.

Ilang araw na ang nakakaraan, biglang kumalat muli sa social media ang painting na ginawa ni Bitoy para kay Pangulong Duterte noong 2016.

Kasama na rito ang tula na ginawa ni Bitoy para sa Pangulo.

“Mabuhay ang pangulo! Walang iba… s’ya na nga! Wala ka nang magagawa, bayan na ang nagsalita. Sa bawat bagong araw, mayro’ng bagong simula. ‘DAPAT TAMA’ isa-puso sa isip at sa salita.” ani Bitoy.

“Kahit sino mang pangulo ang iluluklok ng bayan ‘Di kakayanin ang bigat kundi natin tutulungan. Ang mabuting pagbabago na kanyang sisimulan Tayo ang magpapatuloy hanggang sa katapusan. Awatin na ang dilang masakit magsalita. Pakawalan ang pusong makatao ang gawa,” dagdag pa nito.

Facebook Comments

Latest Posts

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong. Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin...

Arnell Ignacio prinangka si Jennylyn Mercado: Hindi porket sikat ay eksperto na kagad sa politika!

Binalaan ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay naging aktibo...

Advertisement

Don't Miss

Stay in touch

To be updated with all the latest news, offers and special announcements.

Facebook Comments