Thursday, October 22, 2020

Advertisement

Latest Posts

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong. Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin...

Arnell Ignacio prinangka si Jennylyn Mercado: Hindi porket sikat ay eksperto na kagad sa politika!

Binalaan ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay naging aktibo...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Sharing is caring!

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong.

Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni Aurina Alvarez Manansala-Hunt na kahit na malayo siya ay pilit siyang gumagawa ng paraan para tulungan ang kanyang dating asawa na ngayo’y nagpapagaling sa liver cirrhosis.

Ayon sa kanya, talagang nilalabanan na ngayon ng aktor ang kanyang kondisyon, lalo na’t nakikita nito na marami parin pala ang nagmamahal sa kanya.

Umaasa siya na sa mga susunod na araw ay makakausap na ni Regala ang kanyang ibang kamag anak.

Makikita mo pa rin na talagang gusto niya pa ring lumaban ngayon. Kasi before talagang malungkot na siya eh. So ever since noon, two to three days or almost one week iyak ako nang iyak. Noong napasok na siya sa ospital talagang sabi ko lakasan niya loob niya,” ani Hunt.

“So hopefully, ’yong mga ibang pamilya, kamag-anak tawagan siya para may a little bit of support … para pampalakas ng sigla niya,” dagdag pa niya.

Matatandaan na sinabi ni Regala na iniwan na siya ng kanyang huling asawa at matagal na rin niyang hindi nakikita ang kanyang mga anak.

Inulan ng tulong si Regala ng mag viral siya sa social media at nalaman ang kanyang lumalalang kondisyon.

Halos sumuko na rin si Regala noon at tumanggi na noong magpagamot dahil gusto niya ng sumunod sa kanyang namayapang ina.

“Meron po akong liver cirrhosis at may tubig na po ang aking tiyan. Kailangan matanggal na po sabi ng doktor eh ayaw ko na pong ipatanggal dahil sa totoo lang po gusto ko na pong sumunod sa mama ko,” saad ni Regala.

Ayon sa ilang artista na tumutulong kay Regala ay nasa maayos na kondisyon na ang aktor at nagpapagaling na lamang.

Facebook Comments

Latest Posts

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong. Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin...

Arnell Ignacio prinangka si Jennylyn Mercado: Hindi porket sikat ay eksperto na kagad sa politika!

Binalaan ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay naging aktibo...

Advertisement

Don't Miss

Stay in touch

To be updated with all the latest news, offers and special announcements.

Facebook Comments