Thursday, October 22, 2020

Advertisement

Latest Posts

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong. Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin...

Arnell Ignacio prinangka si Jennylyn Mercado: Hindi porket sikat ay eksperto na kagad sa politika!

Binalaan ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay naging aktibo...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Sharing is caring!

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin sa pinapatupad na community quarantine sa Metro Manila.

Sa kanyang guest appearance matapos ang press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, August 7, sinabi niya na siya ay nalulungkot sa kasalukuyang estado ng mga driver ng tinagurang ‘hari ng kalsada’ sa Pilipinas.

Ayon sa kanya, gagamitin niya ang kanyang naipon sa kanyang pagta-trabaho bilang host para ipang-tulong sa mga namamalimos na jeepney driver.

“Ako ay isang mamamayan na pinagpala, na nabanggit ko sa ‘yo dati na gusto kong tumulong. Sa sarili kong pinag-ipunan, dahil naman po ako ay may trabaho ngayon at siyempre ay napakahirap, gusto kong tumulong una dun sa mga jeepney drivers, ‘no. Sa tingin ko, ito ang unang kinakailangan. Nakita ko yung sa Maynila, hirap na hirap. Nakita ko yung sa Quezon City,” ani Revillame.

“Hindi naman ito pagmamayabang ‘no. Ito lang ang puwede kong maitulong sa gobyerno kasi hindi naman ako puwedeng lumapit kay Mr. President, sa mahal na Pangulo na, ‘To, ibibigay ko.’ Hindi maganda tingnan. Siguro sa inyo na lang, ang balak ko ho ay magbigay ng PHP5M ngayon sa araw na ito, at ibibigay sa mga jeepney drivers na talagang namamalimos na.” dagdag pa niya.

Ipagkakatiwala ni Revillame ang pera sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Transportaion (DOTr) na siyang magbibigay ng nasabing salapi sa mga apektadong jeepney driver.

Eto na ang ikalawang pagkakataon na ipinatigil ng gobyerno ang pag biyahe ng mga jeepney dahil narin sa ipinatutupad na community quarantine.

Nangako rin naman ang gobyerno na magbibigay sila ng ayuda sa mga apektadong driver.

 

Facebook Comments

Latest Posts

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong. Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin...

Arnell Ignacio prinangka si Jennylyn Mercado: Hindi porket sikat ay eksperto na kagad sa politika!

Binalaan ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay naging aktibo...

Advertisement

Don't Miss

Stay in touch

To be updated with all the latest news, offers and special announcements.

Facebook Comments