Thursday, October 22, 2020

Advertisement

Latest Posts

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong. Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin...

Arnell Ignacio prinangka si Jennylyn Mercado: Hindi porket sikat ay eksperto na kagad sa politika!

Binalaan ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay naging aktibo...

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Sharing is caring!

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na halalan.

Isang Vlogger na nagngangalang Macmac Pablo ang isa sa mga humihimok kay Marcos na tumakbo, at naniniwala siya na hindi ito mananatili habambuhay sa kulungan kahit na patong patong na kasong kinakaharap nito.

Matatandaan na nakakulong ngayon si Marcos dahil sa reklamong estafa, illegal recruitment, falsification of documents at iba pang kaso.

Ayon kay Pablo, susuportahan niya si Marcos na pumasok sa politika.

Ngunit ayon sa Vlogger ay hindi siya pabor na tumakbo si Marcos bilang Pangulo dahil na rin sa hindi pa ito handa na mamuno sa ating bansa.

“Sa akin lamang, parang hindi pa po siya handa (Marcos) sa pagiging Presidente, dahil hindi pa po siya nakakaranas makaupo sa kahit anong posisyon ng gobyerno, hindi pa po siya nakakapasok sa kahit anong sangay ng gobyerno,” ani Pablo.

“So naisip ko, kung sa Presidente po ay baka hindi po maging maganda ang tema mga tao sa kanya, baka pwede siguro sa medyo mababa, baka pwede siya sa Vice President,” dagdag pa nito.

“So kung manalo si FLM bilang Vice President, aba napaka galing na ka-tandem ng isang Presidente ang isang Francis Leo Marcos, nakita niyo naman noong panahon ng pandemya ay itinulong ang sarili niyang pera, hindi siya humingi ng donasyon, hindi siya nanghingi ng tulong sa kanyang mga kakilala,” 

May ilan namang loyalista ni Marcos ang desidido paring patakbuhin siya bilang pangulo.

Hindi naman bago na isang tao na nililitis ang nanalo sa isang mataas na posisyon sa gobyerno.

Matatandaan na si dating Senador Antonio Trillanes IV at hinalal ng bayan noong 2007 kahit na siya’y nakakulong dahil sa pagiging kasapi nito sa kudeta.

 

Facebook Comments

Latest Posts

Francis Leo Marcos, hinihikayat tumakbo bilang Pangulo, Bise Presidente o Senador

Maraming taga suporta ni Norman Mangusin, o kilala bilang Francis Leo Marcos ang hinihimok ang sikat na internet celebrity na tumakbo sa susunod na...

Unang asawa ni John Regala, hinimok ang mga kamag anak ng aktor na magpakita at tumulong

Hinimok ng unang asawa ni John Regala ang mga kamag anak ng aktor na magpakita na at tumulong. Sa isang panayam ng GMA-7, sinabi ni...

Willie Revillame, magbibigay ng limang milyong piso sa mga jeepney driver na nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng sikat na TV host na si Willie Revillame na handa siyang tulungan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil narin...

Arnell Ignacio prinangka si Jennylyn Mercado: Hindi porket sikat ay eksperto na kagad sa politika!

Binalaan ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio ang aktres na si Jennylyn Mercado na kamakailan lang ay naging aktibo...

Advertisement

Don't Miss

Stay in touch

To be updated with all the latest news, offers and special announcements.

Facebook Comments